din \( \mathrm{ng} \) organisasyon ang pagkakaroon ng kaunlarang pang-ekonomiya, kooperasyon, kalakalan, at pamumuhunan sa rehiyon ng Asia-Pacific. Tampok ang programa ng APEC na tinawag nilang Three Pillars:
- Liberalisasyon ng kalakalan at pamumuhunan
- Pagpapabilis at pagpapadali ng negosyo
- Tulungang pangkabuhayan at pangteknikal
Pagyamanin
Gawain 1: Subukan mo!
Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na pangungusap. Piliin sa kahon ang tinutukoy ng bawat pahayag. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Isang pang-ekonomiko at pampolitikal na unyon \( n g 27 \) malalayang bansa. Ito ang pinakamalaking kompederasyon ng mga malalayang estado naitinatag sa ilalim ng pangalang iyon noong 1992.
2. Isang organisasyong heopolitikal, ekonomikal, at pangkultura ng mga bansa sa Timong-Silangang Asya.
3. Isang pandaigdigang samahang nakabase sa Washington D.C., Estados Unidos. Mayroon itong tatlumpu't limang kasaping nagsasariling estado ng Amerika.
4. Isang internasyunal na organisasyon ng 57 estado. Ito ay samahan ng mga bansang Muslim na naglalayong siguruhin at protektahan ang interes mula sa pamamagitan ng pagsulong ng kapayapaang pandaigdig at pagkakaunawaan.
5. Isang organisasyong internasyunal na pinagkatiwalaang mamahala sa pandaigdigang sistema sa pananalapi sa pamamagitan ng pagmasid sa mga halaga ng palitan at balanse.
6. Ito ay isang kasunduan na nilagdaan ng Canada, Mexico, at United States na lumilikha ng trilateral trade bloc sa North America.
7. Isang kasunduan ng hanap na pangkalakalan ng Kaisipan ng mga Bansa sa Timog-Silangang Asya na nagtaguyod ng mga pampagawaang pampook sa lahat ng bansa sa ASEAN.
8. Isang pandaigdigang bangko na nagbibigay ng tulong-pananalapi at teknikal sa mga bansang umuunlad para sa mga programang pangkaunlaran tulad ng mga tulay, kalsada, paaralan, at iba pa namay layunin ng pagpapababa ng antas ng kahirapan.
Bataan
Araling Panlipunan 8